Magandang araw sa iyo kabayan at mga kaibigan. Makinig at maglibang dito sa OFW Kabayan RadioFm (Tune-In Radio). Kaiiba sa ibang online radio station. Dito mapakinggan ninyo ang pinoy at English song. Mga programa din na I’m sure kagigiliwan din ninyong pakinggan tungkol sa Buhay-buhay ng OFW, Kwentong pang pinoy, Tungkol sa Pag-ibig, Balita, mga jokes at iba pa..at may game din na pwede ninyong paglalaruan habang nakikinig kayo dito. Baba lang kayo sa ibaba ng website at doon ninyo makikita ang mga games para hindi naman kayo maboboryo maliban sa chatting o Live page. Basahin ang nakasulat kung paano kayo papasok sa Live Page o Chat Room at may mga moving icons pa na pwede ninyo ilalagay para mas maganda. Ito’y ginawa ko para sa lahat ng pinoy ma pa OFW ka man o nasa pilipinas o kung saan dako ka sa mundo nakatira ito’y para sa iyo. Kaya halina kayo, dito na tayo at tangkilikin ang sariling atin…kaya itong radio ay para sa inyo. Talagang pang pinoy kaya kayo ang bida….Ang sting sariling radyong pang Pinoy - OFW Kabayan RadioFM. Broadcasting Online streaming live and Tune-In FM Radio 24/7 OFW-Kabayan RadioFM - ANG ATING PINOY RADIO...Dahil kami ang inyong BARKADA, KAIBIGAN AT KASAMA mga kabayan. Dito KAYO Ang Bida, Kaya join Ka na!!!

Mag-on AIR ANG RADYO - WATCH THE POSTING SCHEDULE . Please lang guys respituhin naman natin ang ating Live Page dahil andito tayo para magsaya at hindi mambabastos ng kapwa natin…… Maraming Salamat Po.

RADIOFM IS ON AUTO DJ NO DJ AVAILABLE--REMINDERS SA ATING MGA KABABAYAN... ANG BOTOHAN AY MALAPIT NA. SEGURADUHIN NINYO ANG INYONG IBOTO NA SIYANG KARAPAT DAPAT SA PWESTO PARA SA ATING SARILING BANSANG PILIPINAS-Reminder from OFWK RadioFM Management. Salamat po.


"Visit the main website at http://ofwkabayanradiofm.blogspot.com/

OFW-Kabayan RadioFM


REMINDER: Ang OFWKR O OFW-KABAYAN RADIOFM ay isang non-profit radio online kung saan ang aming pakay ay makapag bigay ng kasiyahan at aliw sa ating mga kababayan na nasa ibang ibayo o maski nasa Pilipinas.  Ang ibang content ng ibang programa na handog galing dito ay hindi inaangkin ng OFWKR o OFW-Kabayan RadioFM.  Ang iba ay galing din sa ibat ibang sources like internet, books, newspaper, magazines at iba pa na pwede naming ma e-share para sa lahat na nakikinig sa aming programa dito sa radio OFWKR o OFW-Kabayan RadioFM.  Ang radiong ito ay galing sa libre.  Ni wala kaming ginagastos ni kosing maliban sa tyaga, sipag at sakripisyo para lang na magkaroon ng online radio.  Ang   main purpose nitong radio ay para mabigyan ng kunting kasiyahan at aliw ang ating mga kababayan na nasa ibang ibayo o nasa abroad.  Ang ibang mga kababayan natin ay nagtratrabaho din sa mga malalayong lugar na minsan ay hindi makalabas o makapamasyal dahil sa ang iba ay nasa ibang remote area.  Atleast, sa pamagitan nitong online radio na OFWKR O ang OFW-Kabayan RadioFM ay makagbigay man lang ng kunting kasiyahan o aliw sa kanila lalo na sa mga na ho-homesick o nalulungkot  kung saan man sila nagtratrabaho.  Ang radio namin ay kaiiba sa karamihan online radio dahil maliban sa mga musika na inihanda namin ay may ibat iba rin kaming programa na masubaybayan o marinig nila.  Tulad ng mga discussion, kwento, drama o sadula, mga kwentong pang OFW, kwento ng mga buhay-buhay natin,  Mga balita, Mga tips sa love life o personal na buhay, jokes, mga kwento ng totoong buhay ng mga OFW na sila mismo ang nagkwento at iba pa.  Dito sa radio ng OFWKR o OFW-kabayan RadioFM ay marami din kayong mapupulutan ng idea o aral sa ibang programa na aming inihanda para sa mga kababayan natin. Dito ay hindi kami binabayaran sa mga ginagawa o serbisyo namin, mga OFW din kami na nagtratrabaho sa ibayong dagat.... Salamat sa inyong pang-unawa at pakikinig sa OFWKR o OFW-Kabayan RadioFM - Management.